Binibining Angono 2023 sa Pandayan Angono

Binibining Angono 2023 sa Pandayan Angono

Bumisita po sa ating tindahan si Binbining Angono 2023 Mikka Motoda para sa bumati sa mga batang kasali sa ating Sining Pandayan Art Workshop bilang bahagi ng kanilang pakikiisa sa Art Month Celebration. Tuwang-tuwa ang mga bata kay Bb. Angono dahil sa laki ng suot niyang Crown hanggang sa pag-alis ni Bb. Angono ay talagang nakasunod ng tingin ang mga bata.
Naging magandang pagkakataon din po ang pagbisita niya sa ating tindahan upang maging model sa ating mga Valentines Suggested Gift dahil pumayag sila na makakuha ng pictures at video kasama ang mga panregalo natin na ipo-post sa ating FB page kaya mas naging kakaiba po ang ating Valentines ngayon taon. Ang kuya po ni Bb. Angono 2023 ay dati nating probee at ngayon po ay isa na sa mga artist na nakikilala dito sa Angono.